Noong Araw ng mga Puso, ang aming kaibigang si Percival Cruz ay ipinamahagi sa amin ang isa sa mga tula ng makata niyang ama na si Alberto Segismundo Cruz (1901-1989) tungkol sa walang katapusang pag-ibig.
Si Ka Bert pala ay kababata ni Amado V. Hernandez, isa pang magaling na makata, at kapuwa sila taga-Tondo. Noong 1947 ay hinirang si Ka Bert na Poet Laureate of the Republic, katumbas ito ng National Artist na ngayon ay iginagawad ng presidente natin sa mga artists.
Nagulat ako ng mabasa ko ito, dahil sa aking palagay, isa na ito sa pinakamagandang tulang nabasa ko. Ito ang kabuuan ng tula:

Kung wala nang kulay ang mga bulaklak at wala nang bangong humahalimuyak.
Kung wala nang hamog at ulang papatak na sa luntiang damo’y kristal kung mabasag.
Kung wala nang awit ang ibon sa gubat na sa punong-kahoy ay palipat-lipat.
Kung wala nang init ang maagang sinag na pumapalaso sa dibdib ng ulap.
Kung lambong ng gabi’y ganap nang nagsungit at di magkailaw pati alitaptap.
Kung di na hahalik sa puting pasigan ang alon sa dagat.
Kung di na sisimoy ang hanging amihang giliw ng habagat.
Kung ang gabing luksa’y ayaw nang patitig sa talang kutitap.
Kung ang landas nating tinahak sa nayo’y pitak nang nagburak, nagkalat sa damo’y mga tuyo’t dahong nalagas na rosas.
Saka mo pa lamang sadyang mawawatas na kudyapi ko’y nagtampo na’t sukat, kasabay ng aking naglahong lumipas.

Sa aking kagalakan, hinimok ko si Percy na bigyan ako ng pahintulot para ipublish ang tulang ito sa Asian Journal. Pumayag naman siya ngunit sa sulat na ipinadala niya sa akin, napag-alaman ko na marami tayong mga magagandang katha ng magagaling nating manunulat sa Pilipinas ang nababaon na sa limot dahil hindi ito na-publish muli para ma-appreciate ng mga bago nating henerasyon ng mga mambabasa. Bilang isang manglilimbag (publisher) ito ay isang bagay na mahalaga sa akin. Dahil dito, hinihikayat ko si Percy na kung maaari ay ma-ipublish naming muli ang iba pang mga katha ng kanyang ama.
Narito ang kanyang sagot:
Sim - Salamat naman at nagustuhan mo ang tula na ipinost ko. May isa siyang published book of poems ang iba ay mga draft papers pa at ang iba nasa tape casette.Marami rin siyang maikling kuwento at mga nobela. Sa sampu niyang buhay na anak ay ako lamang ang nagtiyaga na itago at ingatan ang yaman na ito. Noong nasa high school tayo ay ako ang taga-makinilya niya kaya nagkaroon kami ng magandang relasyon at marami akong natutunan.
Palagay ko ay makata rin ako at manunulat sa dugo, nguni’t ang isip ko at panahon ay naiukol at naiuukol pa sa ibang bagay. Sabi nga ni Kahlil Gibran — “I long for eternity because there I shall meet my unwritten poems and my unpainted pictures.”
Tatlo sa nobela niya - “Ang Bungo”, “Halimuyak”, at “Lakandula” ay nilimbag ng Ateneo Press at ang mga ito’y pinag-aaralan sa Ateneo bilang bahagi ng Philippine Literature and Culture. Ang nasa Diwang Ginto niya ay iyong — “Rosa Malaya”. Mayroon din siya sa Diwang Kayumanggi nguni’t di ko na ito maalala kung ano. Sayang, di na yata reference books ngayon ang D.G. at D.K.
Noong nasa media pa ako sa Pilipinas ay nagmungkahi ako sa mga newspapers at magazines na maglabas ng mga kuwento at nobelang Pilipino panaka-naka, tuwing may espasyo sila, o di kaya ay pa-sponsor ang espasyo sa advertiser. Sa ganoong paraan ay mamumulat ang mga kabataan sa bagay na may iba palang kultura bukod sa Hollywood at fastfood culture na naka-brainwash na sa isip nila. Hanggang ngayon ay di nagagawa ito.
May mga nagpa-publish ng contributed articles, pero iba ito sa mga naisulat na na pambihirang mga katha na hindi nababasa ng madla, sayang! Ilan sa masa ang talagang nakabasa kay Rizal? Marami tayong magagaling na manunulat, makata, at artista — pero ang kanilang mga katha ay nabaon na sa limot.
Kilala natin sina Hemingway, Allan Poe, Steinbeck, Mailer — pero hindi kilala ng marami sina Clodualdo del Mundo, Liwayway Arceo, Balagtas, Simeon Mercado, Efren Abueg, Lazaro Francisco, NVM Gonzales, Sionil Jose, Jose Garcia Villa at iba pa.
Iyong mga estudyante ng Philippine Studies, oo, kilala sila. Pero ang sinasabi ko ay ang madla, ang masa, na kaya artista at magnanakaw ang binoboto tuwing eleksyon ay dahil sa mababaw ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, sa kultura, sa bayan. Tayo ay lipi ng mga dugong bughaw na noon pa, una sa maraming lahi sa mundo, ay kumikilala na sa iisang Diyos, may paggalang sa ina at sa babae, nagpapahalaga sa katarungan at kapayapaan at nagiging mabangis na mandirigma kung may nang-aapi. Sayang ang ating dangal na naiwan sa lumipas.
May binabasa ako ngayong libro tungkol sa Spanish-American War. Dito ay isinasaad na sinabi ni President Wilson at pagkatapos sinigundahan ni President Teddy Roosevelt na dapat ay makuha ng Amerika ang Pilipinas at nang ang mga tao roon na mga barbaro ay mabigyan ng sibilisasyon. Iniutos ni Teddy Roosevelt kay Commodore Dewey na lusubin ang Pilipinas.
Nakakapangilabot! Nakakagalit! Barbaro daw samanatalang wala pa sa mapa ang America ay gumagawa na ng gintong alahas at pinggan ang mga
Pilipino at nakagawa na ng batas, ang Code of Kalantiaw na marahil ay kasingtanda ng Code of Hammurabi, ang kauna-unahang batas sa mundo!
Pilipino at nakagawa na ng batas, ang Code of Kalantiaw na marahil ay kasingtanda ng Code of Hammurabi, ang kauna-unahang batas sa mundo!
Percy
Umaayon ako kay Percy sa kanyang kuru-kuro tungkol sa magaganda nating mga katha na nababaon na sa limot. Kung kaya naman sa abot ng aking makakaya ay pipilitin kong imulat ang mga mata ng ating mga mambabasa, lalo na ang mga bagong henerasyon sa kagandahan ng
Panitikang Pilipino
Panitikang Pilipino
Sana, kayong mga mambabasa namin ay sumuporta sa misyon naming ito. Basahin sa mga anak ninyo ang ating mga lumang katha kagaya ng mga kuwento, tula at nobela, para naman ma-ipagmalaki nila ang kanilang lahi at kultura. Baka ito ang solusyon para igalang ng mga Pilipino ang kanilang sarili, at ano ang malay natin, magbago at umunlad ang Pilipinas! - AJ